Wednesday, May 4, 2011

PE ko? Philippine Games! Eh ikaw? \m/


Online Pre-enlistment noon sa CRS para sa summer class, 1st batch run pa lang inenlist ko na agad ang  PE na Philippine Games  because I know this will be fun. Hehe. Syempre, many of my friends recommended to take it especially under Ma’am Jo-ann Grecia. (totoo ng masaya nga!) \m/ J
Umpisa pa lang alam ko na mag-eenjoy ako dito kasi nung bata ako halos araw-araw naglalaro ako sa kalye. Kahit bagong ligo ako diretso agad sa kalye to play patintero, batuhang bola, Chinese garter, piko and so on, tapos uuwi ng madungis. Hahaha! Kahit nung HighSchool pa ko, I really love playing these kind of games.
 Hayyy, hindi ako pinalad sa 1st batch run ng online pre-enlistment  sa CRS (sad) L. Kaya agad kong inenlist ulit ito sa 2nd batch run, but unluckily hindi na naman naenlist. Hahaha. (malas eno) Feeling ko ang malas malas ko talaga. Haha. Kaya syempre, pumila ako ng bonggang bongga sa pre-rog. Dalawa o tatlong oras ata ako pumila nun , sabi ng mga RA, ang mga natirang PE na lang daw ay Scuba Diving, Striptease, at Weight Lifting. Eh di ko naman trip ang Scuba Diving kasi hindi naman ako marunong mag swimming. Haha! Tsaka feeling ko mahal ang fee doon. Lalo na ung striptease, hindi ko rin gusto kasi mahiyain ako sumayaw at kumembot. (Chaaarrr) Haha! Tas ung weight lifting naman ay for male lang. Tapos tinanong ko ung RA na girl kung pwede pa ba yung Phil.Games kasi yun lang talaga gusto ko, Eh sabi niya wala ng slot. Bigla ako nawalan ng pag-asa. (Iiyak na nga ako eh) Pero hulog ng langit si ate! Sinabi niya bigla na itanong ko daw kay Ma’am Grecia kung pwede pa, umakyat daw ako sa faculty room niya tapos makiusap ako. Tapos yun na nga! Dali-dali akong umakyat at nakita si Ma’am. Haha! At sa wakas! Pinayagan ako ni ma’am! Woooo! Ambait ni ma’am! Ansaya saya ko nun! Sobrang thankful ako talaga kay ma’am at kay Ate RA na curly hair. J memorable talaga ung moment na yon. Hihi. :”>

Eto nga pala ang buong PG class namin. Dami noh? Wala dyan si ma'am, syempre sya nagpicture. Haha. Bilib ako kay ma'am nakayanan niyang ihandle ang ganyan kadami at kabrutal na mga estudyante. at over sa hyper. Haha.
On the 1st day of our class, I really enjoyed ma’am Grecia’s introduction, infairness, kilala na ako agad ni ma’am! Haha. Bilib ako nung halos makabisado na niya agad names ng students niya 2nd day pa lang. kaya ayun. Nakakatuwa ung “Let’s Rock” ni mam. Haha. \m/. wolo long. :3
The following days are so exciting. But I am so nervous that time, ‘coz 1st game pa lang  I cannot recognize my classmates’ names pero ang saya na agad nung nilaro na ung aswang-aswang. Hahaha! I will never forget the moment nung sobra akong naipit sa gitna ng bilog tapos natanggal ung lock ng bra ko. Haha. (buti na lang hindi halata, kahiya) tuloy tuloy ung laro kaya hindi ko makabit, so naglaro ako hanggang sa matapos ung game. Haha. Nga pala, the  following games are listed below:
1.   Aswang-aswang
2.  Bihagan
3.   Si-sis-ki
4.   Punong braso
5.   Kawit ng Daliri
6.   Hipuin ang kulay
7.   Basket ng prutas
8.   Berong-berong
9.   Baboy-baboy
10Pilantikan
11Batuhang bato (Pinoy Dodge ball)
12Night or day
13Moro-Moro (agawan base)
14Lawin at sisiw
15Tatsing
16Pari-Pari
17Luksong Bayo
18Karera ng itlog
19Agawan ng sulok
20Buwan Buwan
21Agawan ng panyo
22Bilaran

I really enjoyed most of the games. But I only have top 5. Those are:

      TOP 1 :  Bihagan (Most Baliang-Buto Award) 
               
   Grabe, 2nd game pa lang ata ‘to eh para na akong kalansay na magwawatakwatak o magkakalasan na mga buto ko.  Haha. Hinati kami sa dalawang grupo, ang goal eh paramihan ng bihag mula sa kabilang team. So hilahan ng mga players at dadalin sa base ng kani-kanilang group. Eh competitive ako, kunwari magaling ako. Pinapain ko sarili ko sa mga katapat ko, Haha, pero di ko naisip na puro nga pala sila lalaki na pwede ako kaladkarin papunta sa kanila. (matapang ako e) haha. Sinubukan ko hilahin yung isang lalaki dun, para bang 1 on 1 kami, di ko napansin nakaabang yung katabi niya sakin, biglang ako naman ang hinila nila! tapos biglang nagsilapitan mga lalaki at pinagtulungan na akong bihagin/hilahin. Syempre lumaban ako! Kahit andami nila! Hahaha. Hinihila ko sarili ko pabalik sa base namin, napansin kong dalawa lang yung kakampi ko na humihila sakin pabalik at babae pa sila! (Grabe lang) Ang sakit na ng braso ko nun mababali na ata! Haha. Ang lakas nila sobra! Kaya yun! Wala kaming/ako nagawa. Nabihag din ako. Hahaha! Sobrang sakit ng braso ko nun! Feeling ko nadislocate mga buto ko. Haha. Pero grabe ang saya. Kung ako yung reporter, ang variation na maiisip ko eh sana tig-iisang tao lang manghihila. Para di masyado brutal. Haha. Bali 1 on 1 ang lahat, paunahan na lang yung dalawa na lagay ung kalaban sa sariling base. Hilahan sila, bala sila sa buhay nila. Haha. Sa totoo niyan wala ako maisip na MVP para sa game na ‘to eh. Kaya ako na lang. Oo ako na! Hahaha! Ako ang muntikan ng mabalian ng buto eh! Haha. :)

     
     TOP 2: Si-sis-ki (Most Gasgasan ng tuhod Award) 

              Simple lang naman ang mechanics nito pero para sakin isa rin to sa mga brutal na game. Haha. Dalawang grupo ule magkatapat. Ang goal eh, paramihan ng tap sa ankle ng kalaban ng hindi tumatayo which means nasa sahig lang. its either nakadapa or nakaluhod. Ay grabe to! Naka shorts pa naman ako! gasgas tuhod ko! hahaha! Halos mahiga na ako sa sahig. Pero infairness andami kong tap. Hahaha. Wagas ung tuhod ko! ampula! pag uwi ko ng bahay puro pasa na. Hahaha! Varsity ko para sa game na to ay si Philip. Grabe rin yun! sya kasi katapat ko. Para syang sadako na gumagapang kahit walang buhok. Hahaha! Kung ako ang reporter, ang maiisip ko na variation ay ahmmmm... Ganun pa din pero nakatayo na lahat. So pwedeng maghabulan ma-tap lang yung ankle ng isa. Hahaha! :)

    TOP 3: Berong-Berong (Most Wet and Wild Award) :) 

             Actually sa variation ako nag eenjoy eh. Haha. Yung nag-iisang taya dumarami at duktong duktong tapos ung nasa dulo ang mananaya. Bali hawak kamay. At grabe! ang higpit ng hawak ng katabi ko! Halos mamawis na palad ko. Haha. Parang mapuputol na kami sa sobrang dulas na ng mga kamay namin. Haha. infairness, Si kuya Ken and Varsity ko! IDOL talaga! Wooo! sya pinaka huling nataya. Halos makulong na sya samin. Sobrang liksi at bilis nya grabe. Kung isa ako sa reporter, ahmm. Variation? ahmm. Ganun pa rin, pero once na pumasok yung mga player sa loob ng mga nataya. Di na sya pwede umalis. Automatic na syang kasali sa mga taya. Haha. Labo ko. :)
    
    TOP 4: Agawan ng Sulok (Unbeatable Award!)
     
          Hahaha. (Tawa agad?) Ang saya eh! Di ba naman kami naging taya ng partner ko sa variation! haha. ang galing namin mang agaw ng sulok. Di kami nawawalan ng sulok! woo! Kaya ang Varsity ko eh yung partner ko! si Miguel! haha! Natatawa lang kami sa mga kalaban namin, tatanungin pa yung napuntahan nilang sulok kung pwede mahingi ung sulok. At nagbato-bato pick pa sila. hahaha! Yabang namin ni kuya e. Winner! Variation?  Sana mas malalayo yung mga sulok. haha. Yun lang. :)

    TOP 5: Agawan ng Panyo (Most Powerful  Award)

         Grabe lang mang agaw ng panyo ang mga Super Powerful na sina Bam at Boon. At grabe lang din sila tumakbo, ang bibilis. Grabe. Haha. Kukunin lang naman ung mga panyo sa gitna, 2 teams ulit. Yung color white na panyo yung ibabalik sa sariling base. Tapos yung Yellow/red yung itatakbo sa kabilang team.At ayun, dalawa silang Varsity ko. Pwede po ba un? haha. Si Boon, dahil napaka bilis niya tumakbo. tinry kong unahan syang kunin ung white hanky (Note:Magkakampi kami) Haha. Si Bam naman, nung hinaharangan namin sya sa base para maka-save SUPER POWERFUL niya talaga. haha. Napakadami na namin tumutulak sa kanya at ayun. Nakasave pa din sya. Haha. Variation? Wala na ko maisip na variation kasi enjoy na ko dun sa variation na yun. Hahaha!
           Sila nga pala groupmates ko. Super FUN! at andami na naming bonding! Lunch buddies kumbaga. Haha. 
Veronica.Christelle.Me.Mae.
(kulang si Grace)

    
       I so happy na I made a new circle of friends sa sandaling panahon. Kahit summer, Wow! Ang cool ng PE ko! Lalo na kay Ma'am Grecia! Dbest! Rock on! Ang saya mag summer ng PE! haha :)







1 comment:

  1. Hi, I would just like to ask permission to use your photo (the girl playing chinese garter) for an article I'm writing for Philippine Online Chronicles about Phil Games. :) You will be properly credited. Thank you

    ReplyDelete